Pagsulat ng Talata
Ano ito?
Talatang Panimula:
Mga paru-parung nagliliparan. Mga tambol na bumibingi sa tenga na hindi mawari kung ano ang nangyayari sa paligid. Sa tamis ng ngiti, mga ibon ay nag aawitan na tila ang maliit na silid ay naging paraiso. Mga kalamnan ay pinipiga ng pusong dumadagondong sa tuwa. Ngunit, hindi ko parin mawari ang ang nadarama. Bakit nga ba may ganito? Ano ito?
Talatang Ganap:
Sa aking paggising di ko sinasadyang siya ay iniisip. Maging saaking panalangin siya ay lagging kong binabanggit. Tila kataka-taka na ako ay palaging masaya, sa mga bagay ay may positibong pananaw at hindi ko malaman kung bakit ako ay tumatawang mag-isa sa tuwing iniisip siya.
Paglilipat Diwa:
Gusto kong ibahagi ang aking nadarama sa nakakatanda kong kapatid, pero may pag-aalangan akong nadarama. Paano kun tutuksuhin niya ako? Paano kung pagalitan niya ako? Sabihin sakin na malandi ako. Hindi ko alam, ako ay masyadong naguguluhan. Ganito ba ang unang pag-ibig? Ang hirap.
Paboud na Talata:
Makalipas ang ilang araw ako ay hindi parin mapakali dahil sa nadarama kong pilit tinatagong mag-isa. Kaya ako ay napa-iisip at binuo ang aking pasya, na sa aking kapatid ay isiwalat na. Nang ako ay magsimulang magkwento siya ay tumitig saakin ng pagka talim, ang kanyang mga mata ay tila bampira na tumutingin sa puso kong nalulunod sa kailaliman ng kaba. Siya ay tumawa. Ako ay kanyang tinawanan? Ano ba, niloloko ba nya ako? At sinabi niya saakin ang aking nadrama ay pag-ibig, pag-ibig sa isang binata. Ang binatang nasa kanuluran at ako ay nasa timog-silangan. Labing-anim na oras ang aming pagitan. Ngunit tila ang aking nadarama ay walang pagitan na inaalintana. Ito pala ang pag-ibig.
-R.B.D. :)-
Comments
Post a Comment