Posts

Showing posts from January, 2017

Pagsulat ng Talata

Ano ito?  Talatang Panimula:  Mga paru-parung nagliliparan. Mga tambol na bumibingi sa tenga na hindi mawari kung ano ang nangyayari sa paligid. Sa tamis ng ngiti, mga ibon ay nag aawitan na tila ang maliit na silid ay naging paraiso. Mga kalamnan ay pinipiga ng  pusong dumadagondong sa tuwa. Ngunit, hindi ko parin mawari ang ang nadarama. Bakit nga ba may ganito? Ano ito? Talatang Ganap: Sa aking paggising di ko sinasadyang siya ay iniisip. Maging saaking panalangin siya ay lagging kong binabanggit. Tila kataka-taka na ako ay palaging masaya, sa mga bagay ay may positibong pananaw at hindi ko malaman kung bakit ako ay tumatawang mag-isa sa tuwing iniisip siya. Paglilipat Diwa: Gusto kong ibahagi ang aking nadarama sa nakakatanda kong kapatid, pero may pag-aalangan akong nadarama. Paano kun tutuksuhin niya ako? Paano kung pagalitan niya ako? Sabihin sakin na malandi ako. Hindi ko alam, ako ay masyadong naguguluhan. Ganito ba ang unang pag-ibig? Ang...